Panibagong rally vs oil price hike
Nakatakda na namang maglunsad ng sunud-sunod na kilos-protesta ang mga militanteng grupo at grupo ng transportasyon matapos ang panibagong pagtataas sa presyo ng langis ng mga kumpanya ng petrolyo.
Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes na ilulunsad nila ang kilos-protesta ngayong Marso 8 kasabay ng pagdiriwang ng “International Women’s Day”.
Pinag-aaralan pa umano nila kung saan isasagawa ang pagkilos na pangungunahan ng
Nagbanta rin naman ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper and Operators Nationwide (Piston) ng isang malaking kilos-protesta dahil nga sa panibagong P.50 sentimos kada litrong pagtaas sa presyo ng krudo nitong Sabado.
Sinabi ni Piston secretary general George San Mateo na hindi naman tumaas ang halaga ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan kundi dahil sa pagtaas ng 2% sa taripa.
Sinabi naman ni Supt. Rodel Sermonia, spokesman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na karapatan ng mga raliyista kung nais nilang magsagawa muli ng demonstrasyon ngunit kailangang nasa limitasyon ng batas tulad ng pagkakaroon ng “permit to rally” at kailangang idaan sa mapayapang paraan. (Danilo Garcia/Rose Tesoro)
- Latest
- Trending



















