^

Bansa

P10-M para patayin si Lozada

-

Ibinunyag kahapon ni ZTE star witness Jun Lo­zada na may nakaam­bang assassination plot sa kanya kung saan P10 milyon umano ang pabu­yang inilaan ng kanyang mga kalaban sa sinu­ mang makakapatay sa kanya.

“Sampung milyon piso ang patong sa ulo mo at nag-aagawan kami kung sino ang makaka­patay sa iyo,” ito umano ang su­nud-sunod na ta­wag na natanggap ni Lozada sa pagbabanta sa kanyang buhay.

Ang nasabing paha­yag ni Lozada ay kanyang ibinunyag kahapon sa harapan mismo ng mga libu-libong supporters nito na dumalo sa isinaga­wang Mass for Truth and Accountability ng opo­sisyon at mga kaalyado nito sa Baclaran Church ng Pasay City.

Sinabi pa ni Lozada na isang mensahe lamang umano ang nais ipabatid ng mga “identified callers” at malinaw na nais la­mang umano ng mga ito na takutin siya upang umatras o manahimik sa kanyang patuloy na pag­bubulgar bilang testigo sa isinasagawang Senate inquiry sa naunsiyaming maanomalyang NBN-ZTE deal.

Ayon pa kay Lozada na sa halip na matakot ay mas lalo umano siyang naging matapang at hindi kailanman siya mapa­tatahimik ng sinuman sa pagbubulgar ng korup­siyon sa kasalukuyang administrasyon. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

BACLARAN

IBINUNYAG

JUN LO

LOZADA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with