^

Bansa

‘Sanctuary fund’ ni Lozada, P1-M na!

-

Umabot na sa P1 milyon ang perang nalikom para sa sanctuary fund ni ZTE star witness Rodolfo Noel Lozada Jr.

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Executive Secretary Sister Estrella Castalone, siyam na araw matapos na ilunsad ang naturang sanctuary fund ay umabot na umano sa P1,007, 537.75 ang kabuuang halaga na nalikom nila.

“As of Friday morning, the fund was at P849,192.75 but the AMRSP still  received a total of P158,345.00 later in the afternoon,” sabi ni Castalone.

Karamihan umano sa mga donors ay tumangging magpakilala at sinasabing sila’y mga “concerned citizen” lamang.

Iginiit naman ni Castalone na bagamat malaki na ang nasabing halaga ay hindi pa rin naman ito sapat dahil sa aniya’y “imminent legal battle” na maaaring kaharapin ni Lozada matapos ang pagbibigay niya ng pahayag sa Senado.

Matatandaang marami nang nagbanta na magsa­sampa ng kaso laban kay Lozada kabilang na ang Malacanang, Department of Justice, si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. at ang negosyanteng si Donald Dee.

Labis naman ang pasalamat ni Castalone sa mga taong nagbibigay ng donasyon sa sanctuary fund.

Aniya, ito’y pagpapakita lamang ng suporta ng publiko para sa paghahanap ng katotohanan na kanilang ipinananawagan.

Nilinaw din naman ni Castalone na gagamitin din ang kanilang salaping malilikom sa iba pang “whistleblower” na lulutang at tetestigo laban sa mga umano’y anomalya sa pamahalaan. (Mer Layson)

AS OF FRIDAY

ASSOCIATION OF MAJOR RELIGIOUS SUPERIORS OF THE PHILIPPINES

CASTALONE

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONALD DEE

EXECUTIVE SECRETARY SISTER ESTRELLA CASTALONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with