^

Bansa

Exile ni GMA sagot sa gusot sa bansa

-

Walang ibang dapat ma-exile o umalis sa bansa sa ngayon kundi si Pa­ngulong Arroyo, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr.

Sinabi ni Pimentel na matitigil lamang ang galit ng taumbayan na anu­mang oras ay puwedeng sumiklab kung lalayas sa bansa ang Pangulo.

Ginawa ni Pimentel ang reaksiyon matapos umalis ng bansa kahapon si First Genleman Mike Arroyo.

Sinabi ni Pimentel na hindi na siya nagtataka na sa tuwing magkakaroon ng imbestigasyon kung saan ipatatawag ang Unang Ginoo ay lumalabas ito ng bansa.

Hindi rin umano niya malaman kung bakit hindi sinunod ng Unang Ginoo ang payo ng Pangulo sa kanyang asawa na luma­bas na lamang ng bansa upang hindi magulo ang pagpapatakbo ng gob­yerno.

Posible aniyang tinata­kasan na lamang ng Unang Ginoo ang kan­yang konsensiya dahil sa nga­yon ay wala pa na­mang nagpapatawag sa kanya at ang isinasa­gawang pag­dinig ng Office of the Ombudsman at ng Department of Justice (DOJ) ay ma­ituturing na “friendly forum”. (Malou Escu­dero)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIRST GENLEMAN MIKE ARROYO

MALOU ESCU

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SHY

SINABI

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with