Kidnapping, attempted murder isinampa ni Lozada
Sinampahan ng kasong kidnapping with attempted murder sa Department of Justice (DOJ) ng kontrobersyal na ZTE star-witness na si Jun Lozada ang mga opisyal ng pamahalaan kabilang dito sina Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr.
Kinasuhan din ni Lozada sina Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Chief Security Angel Atutubo; Police Security Police Office (PSPO) chief C/Supt. Romeo Hilomen, SP04 Rodolfo Valeroso, PSPO assistant director Col. Paul Mascarinas at mga John Does.
Ayon sa abugado ni Lozada na si Atty. Theodore Te, pinagbasehan nila ang nangyari noong Pebrero 5, 2008 nang dumating sa NAIA si Lozada mula sa
Idinagdag pa ni Te na isa sa matibay nilang ebidensiya ay ang nakita nila sa security camera ng NAIA na sumisenyas si Atutubo na animo’y nag-uutos na gilitan ng leeg si Lozada kaya kinasuhan din ang mga ito ng attempted murder.
Dagdag pa umano nilang ebidensiya ang passport ni Lozada na walang pirma at arrival stamp mula sa immigration ng dumating na ito sa bansa kaya maaari umanong palitawin ng gobyerno na hindi ito dumating sa bansa sakaling tuluyan itong mawala.
“We welcome the filing of charges by Jun Lozada. This is an opportunity to air our side and clean matters,” sabi naman ni PNP Spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome na kumpiyansang malilinis ang pangalan ng PNP sa nasabing kaso.
Samantala, inisnab naman kahapon ni Lozada ang ginawang pagdinig ng DOJ sa $329-million National Broadband Network (NBN) deal dahilan sa umano’y maaaring magkaroon ng “whitewash” kasabay ng pagkuwestyon sa abilidad ng DOJ sa pagkuwes tiyon sa nasabing usapin.
Kaugnay nito, hiniling kahapon sa Court of Appeals (CA) ni Lozada na maging “hostile witness” sina CHED Chairman Romulo Neri at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos para sa inihain nitong petition of Writ of Amparo.
Sina Neri at Abalos lamang umano ang siyang makakapagpaliwanag kung ano talaga ang kanilang alam sa umano’y abduction kay Lozada sa NAIA noong dumating ito mula sa HK. (May ulat ni Joy Cantos)
- Latest
- Trending