Hindi maaring pilitin ng Senado ang mga opisyal ng Chinese Embassy para tumestigo sa pagdinig sa $329 M National Broadband Network contract ng pamahalaan sa ZTE Corporation.
Ayon sa ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs, maaring gamitin ng ilang diplomats na ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang diplomatic immunity upang hindi makadalo sa pagdinig.
Ang nasabing ‘diplomatic immunity’ ay nakapaloob sa Vienna Convention on Diplomatic Relations.
Sinabi ng DFA na kapag ipinagpilitan ng Senado na padaluhin sa ZTE-NBN scandal ang mga diplomats ng Chinese Embassy ay maari ang mga itong magsampa ng diplomatic protest.
Nabatid na isinuhestiyon ni Senate Minority Floor Leader Aquilino Pimentel Jr., sa Senado na isubpoena si Chinese Embassy Economic Attache Fan Yang para makadalo at mabigyang linaw. (Joy Cantos)