^

Bansa

Nag-tip sa CPP leader: P5M reward kinubra

-

Instant millionaire ang isang lalaki na nagbigay-daan sa pagkakaaresto kay top Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) leader Elizabeth Principe noong Nobyembre 2007.

Pormal na ibinigay nina AFP-NCR­COM Chief Major Gen. Fernando Mesa at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief  P/Director Geary Barias ang P5 milyon cash sa nasabing informer.

Nagpasalamat namang tinanggap ng lalaking na­ katakip ang mukha ang nasabing reward.

Tumanggi naman sina Mesa at Barias na tukuyin ang pangalan ng nasabing tipster para na rin sa seguridad nito.

Si Principe, top leader ng CPP-NPA ay miyembro rin ng CPP Central Committee. Nasakote ito ng pinagsanib na intelligence operatives ng AFP at PNP sa bisinidad ng Ali Mall sa Cubao, Quezon City noong Nob. 28, 2007.

Si Principe, na guma­ga­mit ng mga alyas na Bea Te Chua/Celia Pineda Santos/ Vilma/ Veronica/ Bening/Lagring/ Amorsola/Elsie/ Saleng/Imay/Lina /Blue /Trining/Rev/Magat ay regular member ng Central Committee at Secretary ng Cagayan Valley Regional Committee ng CPP .

Ayon naman kay Ba­rias, isang malaking dagok sa communist movement ang pagkakaaresto kay Principe at hinikayat ang publiko na makipag­tulu­ngan sa mga awtoridad upang ituro ang iba pang mga lider ng CPP-NPA na wanted sa batas para makakuha rin ang mga ito ng reward.

Ang nasabing lider komunista ay nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp  Crame. (Joy Cantos)

ALI MALL

BEA TE CHUA

CAGAYAN VALLEY REGIONAL COMMITTEE

CELIA PINEDA SANTOS

CENTRAL COMMITTEE

SI PRINCIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with