^

Bansa

Pekeng lider ng unyon sa TESDA ikulong!

-

Desidido ang mga lehi­timong empleyado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ipakulong ang dati nilang kasamahan na tagapagsulong ng pe­keng union sa kanilang tanggapan.

Patung-patong na kaso ang isinampa ng may 4,000 miyembro ng TESDA-Association of Concerned Employees (ACE) sa Department of Justice (DoJ) laban kay Annie Geron, residente ng Lot 3, Block 13, Adelina I, San Pedro, Laguna dahil sa umano’y patuloy na pagpapanggap nito bilang pinuno ng unyon na hindi naman nila kilala at lalong hindi recognized ng Department of Labor and Employement.

Si Geron ay sinampa­han ng kasong misrepresentation, unjust vexation at usurpation of authority dahil sa pagpapakilalang pinuno siya ng Samahan ng Malaya at Nagkaka­isang Kawani (SAMAKA) at humihiling ang grupo ng TESDA-ACE ng P1 milyon bilang danyos; P50,000 attorney’s fee at pagka­kakulong ng sapat na pa­nahon.

Sinabi ni Sonia Lipio, pangulo ng lehitimong unyon na TESDA-ACE, iritable na ang mga opis­yales at miyembro ng ka­nilang unyon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pilit kasi umanong kina­kaladkad ni Geron ang mga empleyado ng TESDA sa isang isyung halata lamang na nais nitong gumanti kay TESDA director Augusto Syjuco. Si Geron ay sinibak ni Syjuco dahil sa iba’t ibang uri ng kaso sa kanilang ahensiya. Bahagi rin ito ng kampanya ni Syjuco para malinis ng husto ang buong TESDA.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Averill Amor, abogado ng TESDA-ACE, paglabag sa Article 287 at 177 ang kinakaharap na kaso ni Geron na may nakaabang na pagkakakulong na prison correctional at arresto-menor. (Butch Quejada)

ADELINA I

ANNIE GERON

ASSOCIATION OF CONCERNED EMPLOYEES

AUGUSTO SYJUCO

AVERILL AMOR

BUTCH QUEJADA

SHY

SI GERON

TESDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with