Pangilinan sinipa ni Roxas sa LP
Pinatalsik ni Liberal Party (LP) president Sen. Manuel “Mar” Roxas si Senate Majority Leader Francis Pangilinan bilang national party chairman ng LP at ibinigay ang posisyon kay dating Senate President Franklin Drilon.
Hindi rin binigyan ni Roxas nang anumang posisyon sa LP si Pangilinan na tumakbo noong nakaraang senatorial elections bilang independent kahit na miyembro siya ng LP.
Miyembro si Pangilinan ng Wednesday Club ng Senado na kinabibilangan ni Nacionalista Party president Manuel Villar na gagawin umanong standard bearer ng partido sa 2010 presidential elections.
Ayon sa press statement ng LP, sinusunod lamang ni Roxas ang ‘party tradition’ na mag karoon ng kapangyarihan na pumili ng kanyang mga opisyal matapos siyang mahalal na presidente ng partido noong Nobyembre 26, 2007 sa Club Filipino sa Greenhills,
Itinalaga rin ni Roxas sina Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya bilang LP secretary general, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, executive vice president, at dating Education assistant secretary for legal affairs Bong Montesa bilang director general.
Nanatili naman si Quezon Gov. Raffy Nantes sa kanyang posisyon bilang treasurer ng partido.
Si Roxas ang pumalit sa dating posisyon ni Drilon bilang presidente ng LP.
- Latest
- Trending