^

Bansa

Media laban sa pamahalaan: P10-M class suit

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Gemma Amargo-Garcia -

Isinampa kahapon ng may 36 na media personalities at organizations sa Makati Regional Trial Court ang P10 milyong class  suit   laban sa mga opisyal ng Department of Justice, Department of Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

May kaugnayan ang demanda sa pang-aaresto ng mga awtori­dad sa maraming ma­mamahayag na nagko­ber sa nabigong tang­kang pagpapabagsak ng grupo ni Senador Antonio Trillanes sa  pamahalaan sa Makati City noong nakaraang taon.

Kabilang sa nag­sampa ng kaso ang National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility, at Philippine  Press Institute.

Sa demanda, inirek­lamo ng mga mama­ma­hayag na hindi na­ging makatarungan, illegal at isang pang-aabuso ang ginawang pag-aresto, pag-posas at pagkulong nang ilang oras ng PNP sa ilang mga miyembro ng media na nagsagawa ng live coverage sa Manila Pen siege na ki­nasangkutan ng grupo ni Trillanes.

Nagdulot umano ng matinding “chilling effect” sa media ang na­sabing insidente parti­kular na ang mga naku-cover sa mga emergency situations na kahalintulad ng Manila siege at Oakwood mutiny.

Samantala, agad namang nagpalabas ng 72-oras na temporary restraining order ang Makati judge hing­gil sa nasabing petis­yon ng media.

Nakasaad sa TRO ang pagpapahinto sa anumang panana­kot ng mga opisyal ng pa­ma­halaan sa mga mi­yem­bro ng media  par­tikular na ang mga  nag-cover sa Manila standoff.

Nabatid na kapag naipanalo ng media ang nasabing kaso ay mapupunta ang nasa­bing P10 milyon sa defense fund ng mga journalists.

Magugunita na ilang oras ding nanatili ang may 50 mamamaha­yag na inaresto ng pulisya at dinala pa sa National Capital Region Police Office head­quarters sa Camp Bagong Diwa.

Hindi naman naging katanggap-tanggap sa mga inarestong mama­mahayag ang paliwa­nag ng PNP na inim­bitahan lamang umano sila at hindi inaresto at layon umano ng gi­nawang imbitasyon na matukoy kung sino-sino ang mga lehiti­mong media at mga posibleng nagpapang­gap lamang noong ma­ganap ang Makati seige.

Bukod sa nasabing class suit ay nagsampa rin kahapon ng hapon ng hiwalay na petisyon ang mga Senior executives at reporters ng ABS-CBN Broadcasting Corp. para sa writ of prohibition ng Supreme Court.

Kasabay nito, mu­ling dumulog kahapon sa Korte Suprema ang mahigit 100 ma­mama­hayag upang magpa­saklolo tungkol sa mga pagbabanta ng gob­yerno laban sa kanila.

Base sa 39 pahi­nang petiton for prohibition, inireklamo ng mga petitioner sa pa­ngunguna nina Maria Ressa, Carrie Villa at Luchie Cruz-Valdez ng ABS-CBN kasama ang may 100 pang mama­mahayag ang gob­yerno dahilan sa uma­noy ibat-ibang uri ng pagharang sa ka­ rapa­tan para sa ma­layang pamamaha­yag.

MAKATI

MEDIA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with