Upang mapalakas pa ang kampanya laban sa kriminalidad, terorismo at insureksyon, karagdagang 45,000 pang mga tauhan ang kailangan ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP-Directorate for Personnel and Rec ords Management (DPRM) P/Director Edgardo Acuña, kulang na kulang sa mga tauhan ang PNP upang punan ang kinakailangang ratio na isang pulis sa bawat 500 mamamayan.
Mayroon lamang 125,000 kabuuang puwersa ang PNP na sumasaklaw la mang sa ‘population ratio” na isang pulis sa kabuuang 675 mamamayan.
Upang mapaigting pa ang pagtugon ng PNP sa tungkulin nito ay kailangan ng kabuuang 170,000 bilang ng mga pulis. (Joy Cantos)