^

Bansa

Newshen kinilala

- Nina Joy Cantos at Gemma Amargo-Garcia -

Nakatakdang ipatawag ng Philippine National Police (PNP) ang lady reporter na si Dana Batnag upang hi­ngan ng paliwa­nag sa sina­sabing pagtu­long nito kay Magdalo Marine Captain Nicanor Fael­don upang makatakas sa kasagsagan ng Manila Peninsula siege.

Ito’y matapos tukuyin na ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na si Batnag ang lady reporter na naku­nan sa video footage ng RPN- 9 tv news team na nag-aabot ng press ID kay Faeldon upang maka­sa­ma palabas ng Manila Pen.

Sa kuha naman ng Close Circuit Television Camera (CCTV) ng hotel, makikita ang isang lalaki na naka­suot ng camouflage ha­bang kasa­mang tuma­takbo ang isang babae na kulot ang buhok palabas sa employees exit ng hotel.

Si Batnag, correspondent ng Tokyo based Jiji Press at vice president ng Foreign Correspondents Associations of the Philippines (FOCAP) ay nakita sa ilang eksena sa video na kausap si Faeldon sa loob ng hotel sa kalagitnaan ng stand-off.

Gayunman, malabong matukoy, batay sa kuha ng CCTV camera ang kabu­uang pagkakakilanlan ng mga ito habang tumatakbo sa fire exit  dahil nakasuot ng baseball cap ang sun­dalo at malabo din ang resolution ng footage kung saan ang tanging pinag­basehan ng mga imbesti­gador ay ang babaeng kulot ang buhok at medyo seksi ang panganga­tawan na siyang deskrip­syon ni Batnag.

Sa panig ni Batnag, tahasan nitong itinanggi na siya ang tinutukoy na tu­mulong kay Faeldon at hinamon pa nito ang PNP na dalhin sa korte ang kaso laban sa kanya kung may matibay na ebidensya ang mga awtoridad sa nasa­bing alegasyon.

Nauna nang nilinis ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ang mga pangalan nina ABS-CBN reporter Ces Drilon at Malaya columnist Ellen Torde­sillas sa kaso ng lady reporter na umano’y tumu­long sa pagtakas ni Fael­don.

Nang matanong na­man si Razon kung tala­gang si Batnag ang tinu­tukoy nilang newshen ay kindat lamang ang tanging itinugon nito sa media.

Sinabi ni Razon na mag­sasampa sila ng ka­song obstruction of justice at abetting to rebellion dahil naging instrumento umano ang naturang reporter sa pagta­kas ni Faeldon. 

Bagaman, isiningaw na ng mga opisyal ng PNP-CIDG ang pangalan ni Batnag, nanindigan ang PNP Chief na kapag nahuli na si Faeldon ay opisyal na nilang tutukuyin ang pa­ngalan ng nasabing lady reporter.

Sa ngayon, ginagamit pa nila ang “lady reporter” para makakuha ng lead sa pagtunton sa pinagtata­guan ni Faeldon.

Hinikayat naman kaha­pon ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang PNP na ilabas ang mga hawak nilang ebidensiya laban dito dahil marami na uma­nong pa­ngalan ang nada­damay gayung alam na­man umano ng PNP kung sino talaga ang lady reporter na tinutu­koy sa mga balita. 

Idinagdag pa ng Kali­him na bagamat matibay ang hawak na ebidensiya ng PNP, hindi pa rin umano ito sapat dahil maituturing na isa pa rin itong circumstantial evidence. Nilinaw pa nito na ang isang circumstantial evidence ay kinakailangang may isang credible na testigo.

Sinabi pa ni Gonzalez na hindi naman kasi naka­kapagsalita ang video at hindi lahat nang makaka­panood nito ay magkaka­roon ng iisang paniniwala na tinulungan talaga ng lady reporter si Faeldon nang makita itong nag-abot ng media ID dito. 

Magugunita na si Fael­don ay nauna nang naka­takas noong Disyembre 14, 2005 at nasakote noong Enero 27, 2006 sa Malabon City sa bahay ng sinasabing lover nito na isang abogado ng military prosecution panel na lu­militis sa mga sangkot sa coup plot na Magdalo Group.

BATNAG

FAELDON

PNP

REPORTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with