Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagkakansela sa permit ng lokal na kumpanya ng minahan dahil sa paglabag sa mining laws and regulations.
Sa 4-pahinang resolusyong sinulat ni Associate Justice Edgardo F. Sundiam, dinismis ng Special Fifth Division ng CA ang petisyon ng Platinum Group Metals Corporation (PGMC) na kumukuwestiyon sa pagkansela ng DENR sa Environmental Compliance Certificate (ECC) nito.
Ibinasura ng CA ang petisyon ng PGMC matapos na mabigo ang nasabing kumpanya na iapela sa DENR ang desisyon ng nasabing ahensiya noong September 25, 2006.