^

Bansa

320 sundalo sabak sa peace mission

-

Umaabot sa 320 tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakdang tumulak sa bansang Haiti at Liberia para magsagawa ng peace keeping mission.

Sa send-off ceremony kahapon sa Camp Aguinaldo, tinagubilinan ni AFP Chief Hermogenes Espe­ron Jr. ang Pinoy contingent na ipakita ang propes­yonalismo sa kanilang pagsisilbi sa nabanggit na mga bansa.

Ang unang batch na 165 tropa ay tutulak sa Liberia sa pamumuno ni Col. Narciso Alamag sa Miyerkules at ang ikalawang batch ay sa Pebrero 6 habang ang 155 pa na pamumunuan naman ni Col. Rodrigo Diapana ay tutungo sa Haiti sa Enero 30.

Tatanggap sila ng allowance mula sa United Nations na tatlong beses na mas ma­taas sa base pay ng naturang mga sundalo sa Pili­pi­nas at ang mga opisyal naman ay makaka­tanggap ng 2 1⁄2 na mas mataas sa kanilang base pay. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF HERMOGENES ESPE

ENERO

JOY CANTOS

MIYERKULES

NARCISO ALAMAG

RODRIGO DIAPANA

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with