Faeldon tinulungang tumakas ng reporter?
Isang reporter umano ang tumulong sa puganteng si Marine Capt. Nicanor Faeldon sa pagtakas nito sa kasagsagan ng siege na inilunsad ng grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City noong Nobyembre 29 ng nagdaang taon.
Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., base sa pagre-rebisa sa video footage ay nakunan ang hindi nito tinukoy na reporter na nagpahiram umano ng identification card kay Faeldon para makatakas sa Manila Peninsula standoff.
Si Faeldon, isa sa mga lider ng Magdalo Group na sangkot rin sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003 ay may patong sa ulong P1-M.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Razon ay pinag-aaralan na ng Legal Department ng PNP kung sasampahan ng kasong kriminal ang nasabing reporter na nag-cover sa
Sinabi ng PNP Chief na base sa CCTV video footage at testimonya ng mga testigo ay itinuro ang nasabing reporter na tumulong para makatakas sa mga awtoridad na pumalibot sa lugar si Faeldon.
Samantala sinasabi ring bago nakatakas si Faeldon ay nakunan rin ito ng video sa naturang hotel na kausap ng isang lady reporter na nauna nang ipinatawag ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group upang kunan ng testimonya. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending