Next Comelec chair ihahayag bago Peb. 2
Bago ang Pebrero 2 ay siniguro ng Malacañang na magtatalaga si Pangulong Arroyo ng susunod na chairman ng Commission on Elections (Comelec) na kukunin mula sa short list ng search committee.
Tumanggi naman si businessman Jose Concep cion Sr., miyembro ng search committee, na pangalanan ang nasa listahan ng mga nominado na isinumite nila sa tanggapan ng Pangulo noong nakaraang linggo.
“I cannot comment but I will tell you some of the names being floated are not on the list,” wika pa ni Concepcion.
Kabilang sa lumulutang na kandidato sa binakanteng posisyon ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos sina dating Justice Secretary Artemio Toquero, retired Supreme Court Justice Jose Vitug, Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, co-convenor ng Legal Network for truthful elections Carlos Medina at retired SC Justice Raul Victorino.
Inamin naman ni Henrietta de Villa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na miyembro din ng search committee, na inendorso nilang maging Comelec chairman sina Medina at retired SC Justice Jose Melo dahil sa paniniwala ng PPCRV na hindi sila maiimpluwensiyahan ng sinuman sakaling maupo bilang pinuno ng poll body. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending