^

Bansa

CPP at  Magdalo magsasanib sa bagong destabilisasyon?

-

Pinaplano  umano ng Communist Party of the Philippines at New Peo­ ple’s Army sa pakiki­pagsabwatan sa Magdalo Group na maglunsad ng bagong destabilisasyon upang ibagsak ang admi­nistrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang kinumpirma kahapon ni  Armed Forces of the Philippines- National Capital Region Command Chief Major Gen. Fernando Mesa ka­ugnay naman ng isini­walat ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez na may isasa­gawang destabilisasyon sa Enero 22.

Sinabi ni Mesa na po­sible umano ang desta­bili­sasyon sa pagitan ng Ene­ro 20  hanggang Ene­­ ro 22  o hangga’t na­kaka­silip ng pagka­kataon ang communist rebels  na kaalyado ng Magdalo Group hang­gang sa bago magtapos ang buwang ito o sa tuwing may guguni­taing okasyon sa bansa sa unang bahagi ng taon.

Inihayag ng heneral na ang Enero 20 ay siyang ikapitong taong aniber­ saryo ng Edsa 2 o ang pagkakaluklok sa ka­pangyarihan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo habang ang Enero 22 naman ay siyang ika -21 anibersaryo ng Mendiola massacre kung saan nagbanta ang mga ra­liyista na babandera sa mga lansangan. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

ENERO

FERNANDO MESA

MAGDALO GROUP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with