Matapos manumbalik sa normal ang sitwasyon sa pagdiriwang ng Holiday season sa bansa, ibababa na ngayong araw ang alert status ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay Directorate for Operations Chief, P/Chief Supt. Silverio Alarcio Jr., epektibo alas-6 ng umaga ngayong araw ay nasa normal alert status na ang may 120,000 malakas na puwersa ng pambansang pulisya sa buong bansa. Sa kabila nito, inatasan naman ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., ang lahat ng Police Commanders sa lahat ng Police Regional Offices na mahigpit pa ring bantayan ang mga pangunahing instalasyon ng gobyerno, economic key points at iba pang matataong lugar na posibleng maging target ng pananabotahe ng masasamang elemento at mga rebeldeng grupo sa bansa. (Joy Cantos)