Muling naglunsad kahapon ng kilos-protesta ang mahigit sa 300 empleyado ng PNCC Skyway Corp. kasabay ng kanilang muling pag-martsa sa kabahaan ng Skyway sa Bicutan patungong Parañaque na nagdulot naman ng lubhang pagsikip ng daloy ng trapiko dito.
Nabatid na nagsagawa ng kilos-protesta ang nasabing mga kawani makaraang isalin ang pamamahala ng Skyway sa Citra na isang Indonesian firm at sibakin sila sa kanilang trabaho.
Hiling naman ng nasabing mga kawani na ibalik sila sa kanilang mga trabaho base na rin umano sa naging desisyon ng Department of Labor at kung hindi ay hindi rin umano sila titigil sa pagma-martsa sa nasabing lansangan.
Magugunita na unang nagsagawa ng kilos-protesta at pag-martsa ang nasabing mga ka wani noong Lunes sa mismong kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) dahilan upang magkaroon ng matinding pagsikip ng daloy na trapiko sa nasabing lansangan.
Kahapon ay muling naulit ang nasabing trapik bunga na rin ng muling pag-martsa ng nasabing mga kawani.
Ayon naman sa mga motorista na lubusan silang naapektuhan sa nasabing insidente at labis nilang ikinaiirita ito. (Rose Tamayo-Tesoro)