^

Bansa

300 empleyado ng Skyway nagmartsa ulit

-

Muling naglunsad kahapon ng kilos-pro­testa ang mahigit sa 300 empleyado ng PNCC Skyway Corp. kasabay ng kanilang muling pag-martsa sa kabahaan ng Skyway  sa Bicutan pa­tu­ngong Parañaque na nagdulot naman ng lub­hang pagsikip ng daloy ng trapiko dito.

Nabatid na nagsa­gawa ng kilos-protesta ang nasabing mga ka­wani makaraang  isalin ang pamamahala ng Skyway sa Citra na isang Indonesian firm at sibakin sila sa kanilang trabaho.

Hiling naman ng na­sabing mga kawani na ibalik sila sa kanilang mga trabaho base na rin umano sa naging de­sisyon ng Department of Labor at kung hindi ay hindi rin umano sila titigil sa pagma-martsa sa na­sabing lansangan.

Magugunita na unang nagsagawa ng kilos-protesta at pag-martsa ang nasabing mga ka­ wani noong Lunes sa mismong ka­ha­baan ng South Luzon Expressway (SLEX) da­hilan upang mag­karoon ng matinding pag­sikip ng daloy na trapiko sa na­sabing lansangan.

Kahapon ay muling naulit ang nasabing trapik bunga na rin ng muling pag-martsa ng nasabing mga kawani.

Ayon naman sa mga motorista na lubusan silang naapektuhan sa nasabing insidente at labis nilang ikinaiirita ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BICUTAN

CITRA

DEPARTMENT OF LABOR

KAHAPON

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SKYWAY CORP

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with