^

Bansa

Erap ‘di na pwedeng tumakbo sa 2010 – DOJ

-

Hindi na maaring tumakbo sa darating na 2010 presidential election si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, bukod kay Estrada hindi rin maaaring makilahok sa pampanguluhang elek­syon sina dating Pangu­long  Cory Aquino at Fidel Ramos.

Iginiit ni Gonzalez na base sa itinakda ng section 4 ng article 8 ng Revised Penal Code ay hindi na maaring tu­makbo ang mga dating Pangulo.

Bukod pa dito, guilty rin umano sa kasong plunder si Estrada at ginawaran lamang ito ng pardon ni Pangulong Arroyo at hindi napa­ wa­lang sala sa kanyang kaso.

Bagamat hindi ma­aring tumakbo bilang Pangulo, maaari naman itong lumahok sa halalan subalit sa mas mababang puwesto tulad ng Panga­lawang Pangulo.

Maaari din umanong magkaroon ng term sharing sa pagitan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo subalit mahirap umano itong isagawa.

Ang nasabing reak­syon ni Gonzalez ay bunsod sa mga usap-usapan na tatakbo sa darating  na  2010  election si Erap subalit tu­manggi naman itong kum­pir­mahin o pabu­la­anan. (Gemma Amargo- Gar­cia)

CORY AQUINO

FIDEL RAMOS

GEMMA AMARGO

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with