^

Bansa

Habeas corpus ni Jalosjos ipinababasura ng OSG

-

Ipinababasura ng Office of the Solicitor General (OSG) ang inihaing petition for habeas corpus ni convicted child rapist at dating Congressman Ro­meo Ja­ losjos na kumuku­wes­tiyon sa patuloy niyang pagkakapiit sa San Ra­mon Prison and Penal Farm sa San Ramon, Zamboanga City.

Sa inihaing memoranda ng OSG sa Zam­boanga Regional Trial Court (RTC), hindi uma­no maaring i-apply ang habeas corpus sa kaso ni Jalosjos dahil legal ang pagkakakulong dito at hindi pa aniya natatapos ang kanyang sentensiya sa kasong dalawang bilang ng statutory rape at anim na bilang ng acts of lasciviousness.

Iginiit pa ng OSG na legal ang muling pag-aresto kay Jalosjos dahil maituturing na “pagtakas” ang ginawa niya noong Disyembre 22, 2007 dahil sa Hunyo 24, 2010 pa matatapos ang kanyang sentensiya matapos na mapagkalooban ng commutation of sentence ni Pangulong Arroyo.

Nilinaw din ni OSG chief Agnes Devanadera na hindi puwedeng sa­bihin ni Jalosjos na isa na siyang “free man” dahil wala namang balidong certificate of discharge na naisyu dito.

Ito ay dahil mismong ang nasibak na BuCor Chief na si Dir. Ricardo Dapat ang nagsabi na bagamat naihanda na nila ang release order ni Ja­losjos hindi naman nila ito ipinatupad.

Idinagdag pa ni Deva­nadera na mistulang nag­mamadali ang Bureau of Corrections sa pagpapa­laya kay Jalosjos. Dapat umano ay hinintay muna ang desisyon ni Justice Sec. Raul Gonzalez tung­kol sa kung tama ba o hindi ang hiwalay na kwentang ginawa ni dating Bucor Dir. Vicente Vinarao sa sentensiya kay Jalos­jos.

Sa naturang computation ni Vinarao, luma­labas na matapos ma-commute ang sentensiya ni Jalosjos at maibawas ang iba pang kredito para sa maayos na ugaling ipinakita nito sa bilang­gulan ay Disyembre 16, 2007 pa matatapos ang kanyang sentensiya.

Bukod dito, kapwa humingi ng opinyon o ga­bay sina Vinarao at si Dapat kay Gonzalez ka­ugnay sa naturang isyu, kaya nangangahulugang ang kalihim ang may “last say” o huling pasya sa paglaya ni Jalosjos.

Hanggang wala uma­no ang pasya ng DOJ ay hindi maaaring magpa­labas ng release order ang Bucor kay Jalosjos dahil wala pa namang linaw sa computation sa nabawa­sang sentensiya. (Gemma Amargo-Garcia)

AGNES DEVANADERA

BUCOR DIR

BUREAU OF CORRECTIONS

CONGRESSMAN RO

DAPAT

JALOSJOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with