^

Bansa

4 Koreano tiklo sa “Lotto”

-

Apat na Koreano na nagmamantini ng online lottery sa isang condominium unit sa Makati City ang inaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw makaraang ireklamo sila ng siyam nilang em­pleyada na hindi nila nabigyan ng sahod at overtime pay.

Isa  sa mga emple­yada ang nagreklamo na pinagsusuot sila ng mga Koreano ng two-piece swimsuit habang bumu­bunot ng mga nanalong numero sa lotto. 

Pinangakuan din ng mga Koreano ng work contract at dagdag na P1,500 sa P12,000 buwa­nang sahod ang mga babae pero hindi binaya­ran ng Lotto operator ang mga biktima para sa overtime ng mga ito noong Pasko.

Sinabi pa ng babae na pinagtatrabaho sila nang 12 oras araw-araw mula alas-4:30 ng hapon hang­gang alas-5:00 ng mada­ling-araw pero hindi bina­yaran ng mga Koreano ang kanilang holiday pay para sa Disyembre  24 at 25.

Nang kausapin  ng mga babae ang mga Koreano para sa kanilang hinaing, tinanggal sila sa trabaho kamakalawa.

Sinabi ng mga babae na ipinasya nilang huwag nang magtrabaho kaha­pon kung hindi babayaran ang kanilang overtime work para sa Disyembre 31, Enero 1 at pati na noong nakaraang Pasko.

Sinalakay naman ng Makati Police ang condo­miniun unit bandang alas-3:00 ng madaling-araw batay sa reklamo ng mga babae. Natuk­ lasan sa lugar ang isang studio unit na may mga aparato para sa operas­yon ng Lotto.

Sinabi ni Police Officer 3 Joseph Robles na walang naipakitang mga kaukulang papeles para sa operasyon ng Lotto ang mga Koreano.

Nahaharap sa mga kasong maltreatment, oral defamation at illegal gambling ang mga dayuhan. (Rose Tamayo-Tesoro)

DISYEMBRE

JOSEPH ROBLES

KOREANO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with