Xmas terror attack!

Todo-bantay ngayon ang pinagsanib na pwer­sa ng pulisya at militar sa tinaguriang “financial dis­trict” ng bansa, ang Maka­ti City pati na ang iba’t ibang mga embaha­da rito dahil sa ulat na po­sibleng pag-atake ng mga terorista.

Ang nasabing hak­bang ay matapos na ma­alarma ang publiko sa inilabas na impormasyon at travel advisory kama­ka­lawa ng gabi ng Austra­lian Embassy sa Makati City na nakatanggap uma­no ang nasabing emba­ hada ng mga “credible report” hinggil sa planong pag-atake sa bansa ng mga terorista ngayong Kapaskuhan.

Kabilang umano sa planong atakihin ng mga terorista ang mga lugar na malimit puntahan ng mga foreigners, mataong lugar gaya ng mga shop­ping malls, embassies, expatriate housing com­plexes, hotels, guest  hou­ses, clubs, res­tau­rants, bars, pubs, movie thea­ tres, schools, places of worship, tourist areas, fastfood outlets, markets at outdoor recreation and major sporting events, mga government  vital installa­ tions, public transport, air­ports, seaports, railways at oil depots.

Nabatid na isasailalim ng Philippine National Police sa high alert status ang buong bansa partiku­lar na ang Metro Manila da-hil na rin sa nasabing ulat.

Mas paiigtingin din umano ang pagbabantay sa seguridad partikular ngayong Disyembre 26 sa araw ng founding anni­ versary ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at Disyembre 30 ang petsa ng madu­ gong Rizal Day bombing noong taon 2000 sa LRT.

Kaugnay nito, pinag-iingat din ng pulisya ng doble ang publiko at pina­pakiu­ sapan ang mga ito na la­long maging vigilan-te o mapagmatyag sa pa­li­g­id at agad na makipag­ko­ordinasyon sa kanila sa­kaling may mapansin na mga kahina-hinalang bagay o tao sa paligid upang hin­di na maulit pa ang nasabing trahedya.

Nabatid na sa ngayon pa lang ay doble at todo-bantay na ang seguridad sa lahat ng mga LRT at  MRT stations sa Metro Manila. 

Show comments