P150-M dibidendo dinugas sa POTC
Natuklasan na ang salaping kinita mula sa ill-gotten wealth ng mga Marcoses na nasa pama- mahala ng Africa-Bildner group ay matagal nang nawawala.
Sa ngayon, sinisikap ng Sandiganbayan na tun tunin ang naglahong halaga upang ito’y mabawi at masampahan ng karampatang kaso ang mga taong dapat managot sa anomalyang ito.
Sinabi ng isang impormante na pinag-aaralan na ng mga mahistrado ng Sandiganbayan 3rd Division ang taktikang ginamit ng Africa-Bildner group sa paglipat ng salapi sa ibat-ibang accounts at kung paano ito babawiin kung hindi kusang maibabalik ang malaking halaga.
Tinitingnan din ang anggulo na may sabwatang nangyari sa pagitan ng mga Marcos cronies at ilang dating tiwaling opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) dahil ang salapi ay nasa pangangalaga nila.
Sa 23-pahinang resolution na inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division kamakailan, may karapatan ang PCGG na i-sequester ang shares ng Polygon Investors and Managers Inc., at isauli ito sa gobyerno para sa safe-keeping.
Iniimbestigahan na rin ang dating opisyal ng PCGG na umano’y naging kasapakat ng Africa-Bildner group upang itago ang kinitang P150 milyon na kinukumpiska ng Sandiganbayan.
- Latest
- Trending