Hindi pa mai-aaward ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga Sumilao farmers ang 144 ektaryang pinagtalunang lupa sa Bukidnon hangga’t hindi pa pinal at executory ang executive order hinggil dito ni Pangulong Gloria Arroyo.
“My department can only issue the notice of coverage to the land after the Palace’s executive order revoking the land use conversion for the property becomes final and executory,” paglilinaw ni DAR Sec. Nasser Pangandaman.
Sa ilalim anya ng batas, ang isang executive order kapag naging epektibo na ay saka lamang papayagan ang mga magsasaka na ma-reclaim ang lupa at na isapinal na at walang nagrereklamo sa loob ng 15 araw na prescribed period para dito.
“The 15-day period would reckon upon receipt of the order by the San Miguel Foods, Inc. (SMFI)”dagdag ng kalihim.
Sinabi ni Pangandaman na sa ilalim ng batas, ang SMFI ay may karapatan na mag-contest sa naturang executive order na nagla gay sa pamahalaan sa ilalim ng land reform noong 1994. (Angie dela Cruz)