^

Bansa

Sumilao farmers wagi!

- Nina Rudy Andal at Angie dela Cruz -

Iginiit kahapon ng Malacañang na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang 144-hectare na property sa Sumilao, Bukidnon at dapat ipamahagi ito sa mga magsasaka upang malutas na ang protesta ng mga Sumilao farmers na nakipag-usap kamaka­lawa ng gabi kay Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Segio Apostol, ang pa­ ma­mahagi sa nasabing lupa sa mga Sumilao farmers ang solusyon upang ma­lutas ang ma­higit isang taong protesta ng mga magsasaka sa Sumilao.

Nagdesisyon ang Pa­ngulo na i-revoke ang naunang executive order na naglalagay sa 144-ektaryang lupain sa agro-industrial upang ibalik ito sa dati at masakop ng CARP law.

“It will come in a form of an executive order stating that the old executive order converting this land into agro-industrial [use] has been revoked and reverting the land into its old status as agricultural land,” paliwanag pa ni Apostol.

Idinagdag pa ni Apos­tol, ang nasabing lote ay dadaan pa rin sa proseso bago ito maipahagi sa mga magsasaka sa ilalim ng CARP.

Ang inaangking lupa ng mga magsasaka ay pagmamay-ari ng pamilya Quisumbing at ang property ay naibenta na nito sa San Miguel Corporation Inc. na ngayon ay ginawa ng piggery ng naturang kumpanya. 

Sa loob ng 2 buwan ay naglakad ang may 55 Sumilao farmers na mula sa Higaonon tribe patu­ngong Maynila upang makausap ang Pangulo hinggil sa kanilang kara­ingan na ibalik sa kanila ang kanilang lupain. 

Kamakalawa ay nag­tungo sa Malacañang ang mga Sumilao farmers at hinarap naman sila ni Pangulong Arroyo.

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL SEGIO APOSTOL

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MALACA

SHY

SUMILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with