GMA: ‘Di pa panahon’
Ipinahiwatig kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi pa napa panahong palayain ang sentensyadong child rapist na si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng paglilinaw ng Malakanyang na walang utos ang Punong-Ehekutibo na palayain mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang dating mambabatas.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol, ipinamalas lamang ni Pangulong Arroyo na isa itong “listening President” na mas pinakinggan ang sigaw na tao na huwag munang palayain si Jalosjos.
“Hindi pa napapanahon upang mapalaya si Jalosjos. Ipinakita ng Pangulo na kahit kaalyado niya ay nananaig pa rin ang sintimyento ng taumbayan,” wika pa ng chief presidential legal counsel.
Hindi kabilang si Jalosjos sa 57 bilanggo na binigyan ng presidential pardon ni Pangulong Arroyo kamakalawa bilang regalo ngayong Kapaskuhan.
Magugunita na na pabalitang makakalaya kamakalawa si Jalosjos mula sa kanyang piitan pero mariin itong pinabulaanan ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez.
Kasabay nito, sinimulan kahapon ng DOJ ang imbestigasyon sa pagkalat ng balita hinggil sa paglaya ni Jalosjos. Italaga ni Gonzalez si Undersecretary Fidel Exconde na pamunuan ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng Bureau of Corrections.
Nais malaman ng Kalihim kung paano naipalabas sa media ang kopya ng discharge sheet at kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng photo copy ng discharge sheet kay Jalosjos gayun din kung sino ang nakalagda dito.
Nabatid na si Jalosjos ay nakatakda sanang palayain noong Disyembre 16 subalit hinarang ito ni Gonzalez at inatasan ang Bucor na ipanatili sa kulungan ang dating Kongresista.
Subalit batay umano sa komputasyon ni Gonzalez, sa Abril 2009 pa dapat mapalaya Jalosjos at hindi noong linggo.
Tumanggi naman ang Kalihim na tukuyin ang mga kaso na maaring kaharapin ng mga opisyal ng Bucor na papanagutin tungkol sa kumalat na tsismis.
Nilinaw pa ni Gonzalez na hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng DOJ ang computation ni dating Bucor Director Vicente Vinarao kung saan nakasaad sa December 16 dapat ay mapalaya na si Jalosjos base sa ipinagkaloob na “commutation of sentence” dito.
Sa hiwalay na panayam, iginiit ni Jalosjos na nakalabas siya ng NBP noong Linggo. Huli siyang nakitang lumalabas mula sa maximum security compound ng bilangguan bago magtanghali kahapon.
Ayon kay Jalosjos, sa huling instruction sa kanya ng mga prison officials, pansamantala siyang mananatili sa isang bahay sa NBP reservation na hindi umano sakop ng maximum security area.
Sinabi pa ni Jalosjos na talagang nakalabas siya sa NBP at bumalik na lamang matapos niyang mapag-alaman na hinaharang ng DOJ ang kanyang paglaya. Nakatakda na
Magugunita na mismong si PAO Chief Atty. Percy Acosta ang nagkumpirma na laya na si Jalosjos at maging ang huli ang nagkumpirma rin sa media na nakalaya na ito.
Si Jalosjos na hinatulan ng double life sentence ay nakapag-serbisyo na ng 13 taon sa loob ng NBP matapos mapatunayang ginahasa nito ang isang 11-anyos na dalagita noong 1995.
Ayon sa ulat, naka tanggap ng kopya ng discharge certificate si Jalosjos mula sa kanyang sekretaryang si Susan Arguelles. Nilagdaan ito ni Penal Supt. lV Juanito L. Leopando.
Sinabi pa ni Jalosjos sa media na nagawa niyang makapag-almusal kasama ang kanyang mag-anak sa labas ng NBP.
Nagtungo na umano si Jalosjos sa kanyang ba hay
Iginiit pa ni Jalosjos na legal ang kanyang release order at kukuwestyunin ng kanyang mga abogado ang anumang hakbang na muli siyang ikulong sa maximum security prison.
- Latest
- Trending