^

Bansa

Mag-anak na Pinoy sa US patay sa sunog

-

Namatay ang apat na miyembro ng isang pa­milyang Pinoy sa isang sunog na tumupok sa kanilang tahanan sa New Jersey, USA noong Dis­yembre 12.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga biktima ay nakilalang sina Edgardo Aguas, 57; asa­wang si Digna, 47; anak nilang si Emily, 13;  at lola nito na si Flotilda Fullao, 86. 

Nakaligtas naman ang ikalimang miyembro ng pamilya Aguas na naki­lalang si EJ matapos na tumalon sa bintana ng unang palapag ng taha­nan na matatagpuan sa Union, New Jersey. 

Si Aguas ay kasaluku­yan umanong nananatili sa kanilang mga kamag-anakan sa Bergen County.

Ayon sa mga awtori­dad, ang sunog ay nagsi­mula umaga ng Dis­yembre 12. Mabilis uma­nong kumalat ang apoy sa buong kabahayan. Bagamat nakalabas pa ng tahanan si Edgardo ay nag-collapse din ito pagdating sa labas dahil sa labis na suffocation na naranasan at malaunan ay binawian din ng buhay.

Ang tatlo pang biktima na pawang natutulog umano sa ikalawang palapag ay nakulong at hindi na nakalabas pa.

Inaalam pa ng arson investigators ang tunay na pinagmulan ng sunog na hinihinalang mula sa nag-short circuit na kur­yente sa basement ng tahanan. (Mer Layson)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDGARDO AGUAS

FLOTILDA FULLAO

MER LAYSON

NEW JERSEY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with