^

Bansa

Dennis Roldan nangaral ng Bibliya sa ISAFP, mga opisyal nainsulto

-

Isa umanong insulto sa mga opisyal at tauhan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang gina­wang pangangaral ng Bib­liya ng dating aktor at ex-Quezon City congressman Dennis Roldan sa compound ng ISAFP nitong Lunes.

Laking gulat umano ng mga empleyado ng makita ang presensya ni Roldan sa compound ng ISAFP kung saan matapos ang flag raising ceremony ay umakto itong preacher at nangaral tungkol sa mga turo ng Bibliya.

“Why him of all the people to lecture on us on the word of God,” naiiling na sabi pa ng opisyal.

Agad namang sinibak ni ISAFP Chief Brig. Gen. Arsenio Arugay si Major Fernando Ciscar, Chief of Personnel ng nasabing tanggapan dahil sa insi­dente.

“ When I knew that Mr. Roldan was invited I immediately reprimand Major Ciscar. In the military that is the way we reprimand our men for their actions,” mahigpit na tinuran ni Arugay sa pagsasabing importante sa AFP ang usapin ng moralidad at kaugalian.

Sinabi pa nito na ng maganap ang insidente ay wala siya sa flag raising at nalaman lamang niya ito sa kaniyang mga opisyal kung saan sinabon at sinibak niya sa puwesto si Ciscar. 

Nabatid pa na wala rin umanong permiso niya ang pag-iimbita kay Roldan na nabatid na kasamahan sa Bible study ni Ciscar. 

Si Roldan, Mitchell Gu­mabao sa tunay na bu­hay, ay inakusahang “utak” sa pagkidnap sa noo’y 3 anyos pa lamang na bik­timang si Kenshi Yu na dinukot sa Ortigas Center, Pasig City  noong Pebrero 19, 2005.  Ang dating solon ay nasakote sa operas­yon sa Cubao, QC kasa­bay ng pagkakabawi sa biktima.

Gayunman nitong Nob­yembre 2006 bagaman non-bailable ang kasong kidnapping ay pinayagan ng Pasig City court na makalaya si Roldan mata­pos magpi­ yansa ng P500,000 sa dahilang kailangan umano itong sumailalim sa drug rehabilitation sa  Los Angeles. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARSENIO ARUGAY

CHIEF BRIG

CHIEF OF PERSONNEL

ROLDAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with