Presyo ng Christmas goods minomonitor
Umapela kahapon si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga negosyante sa lungsod na huwag samantalahin ang Kapaskuhan upang lalo pang magtaas ng presyo ng mga produktong karaniwang mabili sa tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Echiverri, karaniwan nang bahagyang tumataas ang presyo ng mga produktong gaya ng tinapay, hamon, pasta, keso at mga prutas dahil sa mas in-demand ang mga ito ngayong panahon ng Kapaskuhan subalit dapat limitahan ito.
Subalit ayon sa Market Division at DTI, kahit may pagtaas sa presyo ng mga produktong ito ay hindi pa rin itong maituturing na profiteering sa panig ng mga negosyante.
“Huwag
Hinimok din ni Echiverri ang mga residente na ipagbigay-alam sa mga kinauukulan sakaling may biglaang iregular na pagtaas sa presyo ng mga “Christmas goods” na ito.
“Maaari po tayong magsumbong sa ating Market Division sa telepono bilang 2888811 local 2236 at 2219 at sa DTI hotline 7513330,” payo ni Echiverri.
- Latest
- Trending