^

Bansa

3 sa Batasan bombing kinasuhan ng perjury

-

Sinampahan na kaha­pon ng kasong perjury sa Manila Prosecutors Office ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) ang tatlong pangu­nahing suspect sa Batasan bombing na sina dating Tuburan, Basilan Mayor Hajarun Usman Jamiri, Khaidar Awnal at Adham Kusain.  

Ang hakbang ayon kay Supt. Joaquin Alba ng PNP-CIDG-National Capital Region ay matapos bawiin ng mga suspect ang kanilang testimonya at sinabing tinorture lamang umano sila ng mga pulis kaya napilitang isangkot  at iturong utak sa krimen sina dating Mindanao Deputy Speaker Gerry Salapuddin at ang magkapatid na Anak-Mindanao partylist Rep. Mujiv Hataman at Ben­jamin “Jang “ Hataman.

Nabatid na matapos payagang makapag­pi­yansa ng husgado ng P80,000 si Jamiri sa pa­mamagitan ng kan­yang abogado ay binawi nito ang mga naging pa­hayag na nagdadawit kina Salapud­din at Hata­man brothers bilang mastermind.

Ipinakita ni Jamiri ang mga litrato na siya ay pinahirapan habang naka­piit sa detention cell sa PNP-CIDG headquarters sa Camp Crame sa Que­zon City.

Sinabi naman nina Awnal at Kusain na pinu­wersa umano silang gu­mawa ng salaysay na su­musuporta sa naging pa­hayag ni Jamiri na nag­sasangkot kina Salapuddin at Hataman bilang utak ng pambobomba sa Batasan at binantaan na sasaktan kapag hindi nilagdaan ang salaysay. (Joy Cantos)

vuukle comment

ADHAM KUSAIN

BASILAN MAYOR HAJARUN USMAN JAMIRI

BATASAN

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HATAMAN

JAMIRI

JOAQUIN ALBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with