^

Bansa

Sasaklolo kay Ranario: GMA pa-Kuwait

- Ni Rudy Andal -

Nakatakdang magtu­ngo sa Kuwait si Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo upang personal na makiusap sa Emir nito na huwag nang ituloy ang pagbitay sa Pinay na si Marilou Ranario.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye na mula Spain ay mag­tu­tungo si Mrs. Arroyo sa Kuwait sa Disyembre 10 upang hilingin kay Emir Sheik Sabah al-Ahamad al-Jaber Al-Sabah na ikunsidera ang naging desisyon ng korte laban kay Ranario. 

Inatasan na ni Executive Sec. Eduardo Ermita ang Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa Kuwait kung posibleng magkaroon ng audience ang Pangulo sa Emir sa nabanggit na petsa. Pumayag naman ang Kuwaiti government sa ipinadalang sulat ng DFA.

Umaasa naman ang pamilya Ranario na ma­uuwi ito sa magandang resulta. Huling baraha na umano nila ang paki­kipag-usap ng Pangulo sa Emir.

Magugunita na naki­pag-usap kay Pangu­long Arroyo ang ma­gulang at kapatid ni Ranario sa Malacanang sa Sugbu, Cebu noong nakaraang linggo upang hilingin ang tulong ng Pangulo na maisalba ang buhay ng OFW.

Siniguro naman ni Mrs. Arroyo na gagawin ng gobyerno ang lahat ng paraan upang matu­lu­ngan si Ranario.  

Hinatu­lan ng kama­tayan ng Kuwaiti court si Ranario noong Enero 2005 dahil sa pagpatay nito sa kanyang among babae.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDUARDO ERMITA

EMIR SHEIK SABAH

MRS. ARROYO

PANGULO

RANARIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with