^

Bansa

AFP kay Faeldon, 2 pa: ‘Sumuko na kayo!’

-

“They can run but they cannot hide forever, eventually darating yung pa­nahon that the long arms of the law will catch them.”

Ito ang mensahe ka­hapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa puganteng si Marine Capt. Nicanor Faeldon at dalawa pa kaugnay ng pagkaka­sangkot sa Manila Peninsula siege noong Nob­yembre 29 sa Makati City.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Bar­tolome Bacarro, hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapagtago sa batas sina Faeldon. May lead na umano ang militar sa mga posibleng pinagtataguan nina Faeldon ngunit tu­mangging idetalye ito.

“May isa pa silang option, the other option is for them to surrender voluntarily, otherwise the AFP and PNP and other law enforcement agencies will exert effort for their arrest,” ani Bacarro.

Maliban kay Faeldon, pinaghahanap din sina TSgt. Elmer Colon at Sgt. Sonny Madarang. Una nang nahuli sa NAIA si Marine Private First Class Arvin Celestino nitong Disyembre 5 habang pa­sakay ng ero­ plano patu­ngong Amerika.

Tiniyak naman ni Ba­carro na wala ng grupo sa militar ang susuporta pa sa grupo nina Faeldon sa tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.

Idinagdag pa ng opis­yal na puspusan rin ang pag­babantay sa mga palipa­ran, terminal ng bus at mga daungan upang harangin sina Faeldon na posibleng tumakas pala­bas ng ban­sa. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BACARRO

CHIEF LT

ELMER COLON

FAELDON

JOY CANTOS

MARINE CAPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with