Paglaya ni Jalosjos kuryente
Pinabulaanan kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang napabalitang makakalaya na si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos sa darating na Disyembre 16.
Nilinaw ni Justice Secretary Raul Gonzalez na wala pang nakakarating na impormasyon sa kanyang tang gapan na makakalaya na si Jalosjos na pinabulaanan din ni Executive Secretary Eduardo Ermita.
Napabalita na makakalaya na umano si Jalosjos sa Disyembre 16 matapos umanong basbasan ng Malacañang ang pagbawas sa sentensiya o bigyan ng commutation ang dalawang habambuhay na pagkabi- langgo ng una.
Mismong si Monsignor Roberto Olaguer, chaplain ng National Bilibid Prison, ang nagsabi na posibleng makalaya si Jalosjos sa darating na Disyembre 16 o sa susunod na taon.
Inamin naman ni Sec. Ermita na noong Abril 30 ay binigyan ng commutation ni Pangulong Arroyo si Jalosjos at 11 pang convicts batay sa rekomendasyon na rin ng DOJ noong Marso 2.
Ayon kay Purita Adagio ng Bureau of Parole and Pardons, nabigyan ng commutation si Jalosjos dahil na rin sa edad at sakit nito kaya mula sa double life ay ibinaba ang sentensiya nito sa 16 years. (Gemma Amargo-Garcia/Rose Tamayo-Tesoro/Rudy Andal)
- Latest
- Trending