^

Bansa

P10-B nalulugi sa gobyerno dahil sa car smuggling

-

Tinataya ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na nalulugi ang gobyerno ng P5 bilyong hanggang P10 bilyon dahil sa smuggling ng mga luxury vehicles.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr., natuk­lasan nilang maraming mga imported luxury vehicles ang nairehistro sa Land Transportation Office (LTO) na walang certificate of payment mula sa Bureau of Customs.

Wika pa ni Usec. Villar, sa taong ito lamang ay lumilitaw na mahigit 3,000 imported vehicles na nairehistro sa LTO kahit wala silang certificate of payments mula sa BOC gayung kailangan ito bago sila marehistro sa LTO.

“If we can collect the right amount of taxes from the owners of imported vehicles with questionable CPs that are now registered with the LTO, the government would be able  of realize the revenue discrepancy of 5 to 10 billion pesos due to rampant car smuggling,” wika pa ni Villar.

Aniya, nagiging mala­mig din ang LTO sa PASG ng hinihingi nila ang mga date sa lahat ng imported cars na nairehistro sa kanyang tanggapan.

Wika pa ni Villar, mula taong 2004 ay mahigit sa 56,000 imported vehicles ang naibenta sa tinata­wag na “gray market” dahil nagagawang mare­histro ang mga imported cars na ito sa LTO kahit wala silang certificate of payment mula sa BOC.

“The only way to stop car smuggling in the country is to not allow the owners of imported cars to register their vehicles unless the right taxes are paid,” wika pa ni Villar. (Rudy Andal)

BUREAU OF CUSTOMS

IMPORTED

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

UNDERSECRETARY ANTONIO

VILLAR JR.

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with