‘Nonoy’ binabantayan

Tuluyan nang lumabas ng bansa ang bagyong Mina na nag-iwan ng 22 kataong patay habang walo pa ang nawawala matapos manalasa sa Northern Luzon, Bicol Region at ilan pang bahagi ng Southern Luzon.

Samantala ngayong Huwebes, ang bagyong Lando ay inaasahan ng PAGASA na nasa layong 500 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging 55 km bawat oras malapit sa gitna. 

Kaugnay nito, binabantayan naman ng PAGASA si Nonoy na isa nang ganap na bagyo. Si Nonoy ay namataan sa layong 1,400 kilometro sa karagatan ng silangan ng Northern Luzon. (Angie dela Cruz)

Show comments