Saguisag inilabas na sa ICU

Inilabas na sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center si ex-senator at Atty. Rene Sagui­ sag at inilipat na ito sa regular room upang doon na itu­loy ang iba pang medical procedures para sa tuluyang ikagagaling ng huli.

Bunga nito, umaasa naman ang mga anak ni Sa­guisag na magiging posi­ti­bo na ang tuloy-tuloy na pagga­ling ng kanilang ama at makakapiling na nila ito sa mga susunod na araw parti­kular na sa Araw ng Pasko kahit pa man wala na ang ka­nilang ina na si Gng. Dulce Saguisag. 

May isang buwan ding namalagi sa ICU si Sagui­sag at sumailalim sa kritikal na gamutan mula ng ipasok ito rito noong November 8, 2007 matapos ma­ak­si­dente kasama ang kanyang misis at driver. (Rose  Tesoro)

Show comments