^

Bansa

Senado inisnab dahil sa bagyo

-

Ginamit na dahilan kahapon ng ilang mga miyembro ng Gabinete na hindi nakarating sa pag­ dinig kahapon ng Senado ang mga bagyong nasa loob ng bansa.

Kabilang sa mga inan­yayahan pero hindi du­ma­lo sina  Public Works Secretary Hermogenes Eb­dane Jr., Finance Secretary Margarito Teves, Presidential Management Staff Serge Remonde, Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, Commission on Audit Chairman Guillermo Carague at Bud­get Secretary Rolan­do Andaya.

Ayon sa mga  cabinet officials, abala sila sa pag-asikaso ng kanilang mga departamento dahil na rin sa bagyo at hindi pa han­ da ang mga dokumentong kanilang isusumite sa komite.

Tanging tatlong auditor lang ng COA ang duma­ting sa pagdining ng Senate committee on economic affairs hinggil sa pagpaliban ng World Bank sa pagkakaloob ng pa­utang sa bansa dahil sa umano’y mga katiwalian.

Iniimbestigahan ng ma­taas na kapulungan ang ilang anomalya na nasi­lip ng WB sa dala­wang road projects sa Negros Oriental at Suri­gao del Sur.

Kaugnay nito, inutos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Pro-Performance System  at Procurement Trans­parency Group na magsa­ gawa ng review sa mga road projects na si­nuspinde ng World Bank ang naka­laang loan nito.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­ mita, nilagdaan ni Pangu­long Arroyo ang administrative order 210 nitong November 22 kung saan ay inatasan din niya ang PPS at National Economic Development Authority na magsagawa ng regular na konsultasyon sa mga foreign funding agencies upang maiwa­san at ma­ha­luan ng si­nasabing mga anomalya sa mga foreign-funded projects. (Malou Escudero at Rudy Andal)

AUDIT CHAIRMAN GUILLERMO CARAGUE

AYON

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO ROMULO

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with