^

Bansa

Impeachment  vs GMA nasa  Supreme Court na

-

Iniakyat na sa Korte Suprema nina Iloilo Vice Governor Rolex Suplico at iba pang oposisyon kahapon ang usapin sa ginawang pagbasura sa impeachment complaint na iniharap laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Sr.

Batay sa 27-pahinang petition for certiorari, hiniling ng mga petisyuner na ipawalang-bisa ng Mataas na Hukuman ang ginawa ng Office of  the Secretary General ng the House of Representatives na nagdeklarang moot and academic na ang impeachment complaint at nagbasura sa kanilang inihaing supplemental complaint laban kay Arroyo at Abalos.

Bukod kay Suplico, kabilang din sa mga petisyuner sina Harry Roque, dating press secretary  Angelito Banayo, Dr. Ma. Dominga Adilla, Fr. Jose Dizon, Manuel Aviera at   Roel Garcia.

Kinuwestiyon nila si House Secretary-General Roberto Nazareno dahil wala umano itong kapang­yarihan para aksiyunan ang kanilang petisyon o tu­manggap ng petisyon at magdesisyong idismis ang supplemental complaint. (Ludy Bermudo)

 

ANGELITO BANAYO

DOMINGA ADILLA

DR. MA

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

HARRY ROQUE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SECRETARY-GENERAL ROBERTO NAZARENO

ILOILO VICE GOVERNOR ROLEX SUPLICO

JOSE DIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with