Abogado ng ‘Ninoy 13’ may death threat

Ibinunyag kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida  Rueda-Acosta na nakatatanggap siya ng mga death threat na pinaniniwalaang kaug­nay sa pagtulong nitong makalaya ang isa sa convicted sa Aquino-Galman double murder case na si dating Air Force Master Sgt. Pablo Martinez.

Hindi na nasorpresa si Acosta sa mga pagba­banta dahil parte na uma­no ng kaniyang tra­baho ang makatanggap ng mga pagbabanta sa buhay. 

Sa kabila nito, desidi­do pa rin si Acosta na lakarin ang pagpapalaya sa natitirang 13 akusado.

Magugunitang si Mar­tinez na isa sa mga na­sintensyahan sa Aquino-Galman double murder case ay napagkalooban ng conditional pardon ni Pangulong

Arroyo dahil sa edad nitong 70 at sa hindi ma­gandang kalusugan nito.

Tutol ang pamilya Aqui­no sa ibinigay na executive clemency kay  Mar­tinez.

Sinabi ni Sen. Noy­noy Aquino, wrong timing ang pagpapalaya kay Martinez dahil nala­lapit na ang kaarawan ng kaniyang yumaong ama. (Ludy Bermudo)

Show comments