Pera sa suhulan galing daw sa R2 builders
Kinaladkad kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang R2 builders na pag-aari ni businessman Reghis Romero II sa umano’y suhulang nangyari sa Malacañang noong Oktubre 11.
Sa pagpapatuloy ng hearing kahapon ng Senado, sinabi ni Lacson na pinadaan sa pribadong account ni Romero ang perang ipinamudmod sa mga congressmen at gobernador.
Ayon kay Lacson, matibay ang impormasyong nakuha niya mula sa insiders ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pera ay pinadaan kay Romero na may P3-bilyon at sisingilin mula sa gobyerno.
Noon umanong unang linggo ng Hulyo, nagpalabas ang DBM sa pamamagitan ng Housing and Land Regulatory Board ng P500 milyon na inilagay sa account ni Romero.
Paliwanag ni Lacson, may sinisingil ang R2 Builders ng mahigit P3 bilyon sa pamahalaan matapos magpalabas ng desisyon ng Supreme Court na legal at balido ang kontrata nito sa pagpapatayo ng housing project sa
“Wala naman tayong itinuturong sinuman sa alinmang ahensiya ng pabahay, ngunit kung may sinisingil ka ng ganoong kalaking pera sa gobyerno, maraming pakiusapan at marami ang dapat lapitan,” paliwanag niya.
Sa nasabing hearing, tinanong ni Lacson si Arturo Manuel Jr., vice president ng Bank of Commerce kung si Romero ay kliyente ng bangko, pero tumanggi ang huli na sagutin ang sagot dahil labag ito sa Bank Secrecy Law.
Aminado si Lacson na nagiging hadlang sa imbestigasyon ang nasabing batas at maging ang Executive Order 464.
“There goes our problem. We cannot get to the bottom of this case because aside from executive privilege and EO 464, meron tayong bank secrecy,” sabi ni Lacson. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending