Kinalampag ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang pamahalaan kaugnay sa negatibong epektong dulot ng pag-ban sa impor tasyon ng mga imported used vehicles na mismong ang mga lokal na pamahalaan ang apektado.
Sinabi ni ULAP spokesperson Eastern Samar Gov. Ben Evardone na bukod sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan ay umaaray na rin ang mga small and medium enterprises (SMEs) sa pagbabawal ng importasyon ng mga nasabing sasakyan.
Napapakinabangan ng mga lokal na pama halaan ang mga imported na sasakyan na dahil sa mas mura ito, ay siyang pinipiling gamitin sa paghahatid ng serbisyo sa mga nasasakupan ng mga ito, wika ni Evardone.
Nabatid na ginagamit ng mga LGU ang mga mura subalit maayos namang mga sasakyan bilang ambulansya, mini truck van at 4x4 utility vehicles.
“These local government officials have been airing their concern because they are relying mostly on cheap, imported used utility vehicles since they cannot afford to buy new ones when they go to far-flung areas to serve their constituents,” ani Evardone.
Nangangamba si Evardone na manaig ang umano’y matinding pag-lobby ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (Campi) para sa tuluyang pagbabawal ng mga imported na sasakyan na makapasok sa Subic. (Butch Quejada)