^

Bansa

Kaso vs House bomber isasampa

- Danilo Garcia -

Takdang kasuhan ngayong Lunes  ng Philippine National Police  ang tatlong suspek sa pambo­bomba sa Batasan Complex na ikina­ sawi ni Basilan Rep. Wa­hab Akbar at iba pa nitong Nobyem­bre 13.

Sinabi ni National Capital Region Police Office Chief Director Geary Barias na isa­sampa nila sa Department of Justice ang mga kasong murder at multiple serious physical injuries laban kina Ikram Indama, Kaidar Aunal at Ad­ ham Ku­sain.

Nadakip ang tat­long noong Huwebes sa isang pagsalakay ng mga puwersa ng PNP at Philippine Army sa hinihinalang safehouse ng Abu Sayyaf sa Pa­yatas-B, Quezon  City. Tatlo pang suspek ang na­sawi sa naturang ope­rasyon.

Sa kabila nito, aala­min pa rin ng binuong Task Force sa DOJ ang pinal na mga kaso na isasampa sa mga sus­pek na kasalu­kuyang nasa kusto­diya ngayon ng Intelligence Security Group ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Hindi rin naman isi­nasaisantabi ni Barias na maaaring gawing “state witness” ang tatlong suspek upang mas lalong bumilis ang takbo ng imbes­tigas­yon at mapa­nagot ang mga taong nasa likod ng natu­rang pambo­bomba.

Hindi naman ito nag­bigay ng pahayag sa posibleng pagka­kaugnay ni dating Ba­silan Rep. Gerry Sala­puddin sa insidente matapos na madakip ang dati nitong driver na si Indama sa Pa­yatas. Una nang nag­tungo si Salapuddin sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group kung saan iti­nanggi nito ang mga akusasyon.

Patuloy pa rin na­man ang mga awtori­dad sa pagpiga sa mga suspek sa mga impor­masyong na­la­laman at pag-iim­bes­tiga sa mga naibigay na sa kani­lang ma­hahalagang impor­masyon ng tat­long suspek.

Samantala, sinabi kahapon ni Manila Archbishop Gau­den­cio Rosales sa pa­nayam ng Radio Ve­ritas na hindi dapat tumigil sa pag­ha­hanap ng katoto­hanan ang publiko ka­ugnay sa naganap na pag­papasabog kama­ka­ilan sa Batasan Com­plex.

Sinabi ni Rosales na hindi mapapa­lagpas ng simbahan ang anu­mang uri ng karaha­san, anuman ang ra­son ng mga taong nasa likod nito. (May ulat ni Mer Layson)

ABU SAYYAF

BASILAN REP

BATASAN COM

BATASAN COMPLEX

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with