Pardon kay Erap ‘di puwedeng bawiin

Hindi na maaaring bawiin pa ng gobyerno ang “full, complete, at absolute” pardon na ipi­nagkaloob ni Pangulong Gloria Arroyo kay dating Pangulong Joseph Es­trada.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa isyu nang posibleng pagbawi nang presidential pardon na ibinigay sa dating Pangulo dahil ayaw uma­no nitong i-surrender ang kanyang mga ari-arian.

“If reported accurately that it is a full, complete, and absolute pardon, then the mere fact that he has violated a law will incur liability in the prosecution service for him but it will not necessarily lift the pardon,” sabi ni Santiago.

Ayon kay Santiago, ma­ aari lamang bawiin ang pardon kung ito ay “conditional” at lumabag sa isinasaad ng “conditional pardon” ang bilang­gong nabigyan nito.

Kaya kahit lumabag uma­no sa batas si Es­trada, hindi maaaring ba­wiin ang par­don na ipi­nagkaloob sa kanya.

Maliwanag aniya na sa “unconditional pardon” walang anumang kon­disyon na nakapaloob sa iginawad na kapata­wa­san.

Pero idinagdag din ni Santiago na ibinase niya ang kanyang opinion na “unconditional pardon” ang ibinigay kay Estrada sa nabasa niya sa mga paha­ yagan.

I’m only trusting what I read in the papers…So I’ll have to examine was there a condition there,” pahayag ni Santigo. (Malou Escu­ dero)

Show comments