Pardon kay Erap ‘di puwedeng bawiin
Hindi na maaaring bawiin pa ng gobyerno ang “full, complete, at absolute” pardon na ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Arroyo kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa isyu nang posibleng pagbawi nang presidential pardon na ibinigay sa dating Pangulo dahil ayaw umano nitong i-surrender ang kanyang mga ari-arian.
“If reported accurately that it is a full, complete, and absolute pardon, then the mere fact that he has violated a law will incur liability in the prosecution service for him but it will not necessarily lift the pardon,” sabi ni Santiago.
Ayon kay
Kaya kahit lumabag umano sa batas si Estrada, hindi maaaring bawiin ang pardon na ipinagkaloob sa kanya.
Maliwanag aniya na sa “unconditional pardon” walang anumang kondisyon na nakapaloob sa iginawad na kapatawasan.
Pero idinagdag din ni
I’m only trusting what I read in the papers…So I’ll have to examine was there a condition there,” pahayag ni Santigo. (Malou Escu dero)
- Latest
- Trending