P5-M reward alok ni GMA

Naglaan ng P5 milyong reward si Pangulong Glo­ ria Macapagal-Arroyo sa si­numang makakapagbi­gay ng impormasyon para agad na matukoy at ma­aresto ang nasa likod ng pambobomba sa Batasan kamakalawa ng gabi na ikinasawi ng 3 katao kabi­lang si Basilan Rep. Wa­hab Akbar.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, bukod sa paglalaan ng pondo ay bumuo din si Pangulong Arroyo ng task force upang mag-asikaso naman sa political violence partikular ang mga public officials na naging sentro ng karahasan.

Personal na nakida­lam­hati naman si Mrs. Arroyo sa mga nasawi nang mag­tungo ito sa FEU hospital kung saan dinala si Akbar saka ito nagtungo sa St. Lukes Medical Center kung saan ay naroon naman ang bangkay ng staff ni Rep. Teves.

Ipinaabot din ng Pa­ngulo ang kanyang pakiki­ramay sa naiwan ni Rep. Akbar gayundin sa mga nasawing sina Marcial Tando na driver ni Gab­riela Rep. Luzviminda Ilagan at Maan Gale Bustalino na staff naman ni Negros Occidental Rep. Pryde Henry Teves.

Ayon naman kay National Security Adviser Norberto Gonzales, dala­wang linggo na ang naka­karaan nang makatang­gap sila ng intelligence report hinggil sa banta sa buhay ni Rep. Akbar. 

Biglang naghigpit na­man sa seguridad sa Ma­lacañang at Senado mata­pos ang naganap na pam­bobomba sa Kamara.

Hindi pinapayagang makapasok sa compound ng Palasyo ang mga taxi gayundin ang mga pam­pa­saherong jeep bilang ba­hagi ng hinigpitang security measures sa Pa­lasyo.

Sa Senado, ipinagba­wal na rin ang pagpasok ng mga pampasaherong jeep­ney at taxi saka nagsa­gawa na ngayon ng ins­peksyon sa lahat ng pa­pasok sa naturang gusali.

Samantala, mariing ki­nondena ng Lady Legislators of the 14th Congress ang nangyaring pagsabog sa Kongreso. Isa uma­nong pagyurak sa de­mokrasya ng bansa ang nasabing insidente at isang masusing imbes­tigasyon ang dapat na gawin ng mga otoridad upang maparusahan ang nasa likod nito. (Rudy Andal)

Show comments