Razon sa DSAS ’07 part II
Inaasahang dadalo si Director General Avelino Razon Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), bilang guest of honor and speaker sa opening ceremonies ng Defense & Sporting Arms Show (DSAS) 2007 Part II na gaganapin sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall, Mandaluyong City sa ika-22 ng Nobyembre
Ang pagbubukas ng apat na araw na DSAS 2007 Part II ay sang-ayon na rin sa pagtatapos ng nationwide gun ban ng Comelec sa Nobyembre 15 kaugnay sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ilang makabagong firearms, karamihan ay kinabibilangan ng mga handguns, na pawang mga imported at locally manufactured products ang naghihintay para sa mga magtutungo sa pinakamatagal at pinakamalaking gun show sa Pilipinas. Maging ang mga high-powered firearms at assault weapons, na dating para sa exclusive viewing lamang ng law enforcers at military personnel tuwing gun show, ay maipapakita na rin sa publiko ng iba’t ibang gun manufacturers.
Sponsors ng DSAS 2007 Part 2 ang Crossover 105.1 FM; DZRH; DZSR; DWDD; DZHH; Manila Bulletin; Business Mirror; Pilipino Star Ngayon; Philippine Graphic magazine; Total Security Systems, Inc.; Leisure Vacation Suites (formerly Lexber); Ansmann Logo (for Skystar); Digital Resource Corp.; at yehey. com.
- Latest
- Trending