^

Bansa

Tigil-pasada lalarga na

- Rose Tamayo-Tesoro, Danilo Garcia -

Anumang araw sa mga susunod na linggo ay sisi­mulan na ng mga militan­teng grupo ng transpor­tasyon ang isang nationwide “transport holiday” bunsod ng walang humpay na pag­ taas sa presyo ng langis at sa kawalan umano ng aksi­yon ng gobyerno ukol dito.

Ayon kay George San Mateo, secretary general ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), nag-uusap na ang mga asosasyon ng transportasyon sa buong bansa na nakatakdang magsanib para sa isasa­ gawa nilang malawakang kilos-protesta.

Nabatid na isang araw na hindi papasada ang mga pampublikong sasakyan at itataon nila ito sa mga araw na may pasok sa eskwe­lahan at mga tanggapan.

Humihingi na rin ng dis­pensa sa publiko partikular na sa mga commuters ang transport groups sa magi­ging perwisyo ng kanilang gagawin dahil ito lamang umano ang tanging alam nila na paraan para iparam­dam sa gobyerno ang ka­nilang mga hinaing. 

Pangunahing tinutuligsa ng Piston ang pag-amin ng pamahalaan na wala silang magawa sa patuloy na pag­lobo ng presyo ng langis na nakatakdang umakyat pa ng P4 bago magtapos ang taon at magpapatuloy pa sa 2008.

Sa kabila ng mataas na presyo ng langis, nanana­ tiling mataas pa rin ang presyo ng mga spare parts ng mga sasakyan habang napakababa ng ibi­nibigay na disku­wento ng mga gas station sa mga pampubli­kong jeep.

Sinabi pa ni San Mateo na patuloy umanong nag­bibingi-bingihan si Pangu­long Arroyo sa kanilang panawagan at apela na ibasura ang Oil Deregulation Law at i-kontrol ang patuloy na pag­taas ng presyo ng langis.

Dapat din umanong idaan muna sa public hearings at isangguni sa publiko bago ang anumang hak­bang sa pagtataas ng presyo nito.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) president Efren De Luna, dagdag pa sa kanilang paghihirap ang patuloy na pagpigil sa pagbibigay ng prangkisa sa mga jeep, matataas na bayarin sa Land Transportation Office (LTO) at hindi masawatang pangongo­tong ng mga traffic enfor­cers sa kalsada.

Napag-alaman pa na hindi lamang transport groups, drivers at operators ang kanilang hi­nihimok ngayon na makiisa sa ikakasang nationwide strike kundi pati na rin ang mga mamamayan.

Kamakawala ng gabi ay muli na namang itinaas ng mga kompanya ng langis ang presyo ng produktong petrolyo dahil umano sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

AYON

EFREN DE LUNA

GEORGE SAN MATEO

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with