Detalye ng sasakyan ‘di raw dapat isapubliko ng IT Provider

Kinuwestyon ng mga Private Emission Test Centers ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) kung bakit nito pinapayagan ang PETC IT Provider na RDMS na magbigay ng mga detalye ng sasakyan gamit ang kani­ lang program sa computer ng PETC.

Anila, tanging ang LTO lamang ang siyang dapat na nagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa mga detalye ng mga sasakyan at hindi ang isang IT provider tulad ng RDMS na walang nakakaalam kung saan nanggaling at kung tama ba ito.

Bagamat ang hangarin ng naturang IT provider ay mapa­dali ang pag-encode nila ng detalye sa mga sasakyan na irerehistro sa LTO, ang mga PETC ay wala dapat pagkunan ng detalye kung hindi ang opisyal na dokumento lamang na galing sa LTO na hawak ng may-ari ng sasakyan.

Nawawala anila ang secrecy ng im­pormasyon ng isang sasakyan kung ang isang IT provider ang maglaladlad sa publiko ng impormasyon sa isang sasakyan at kahit sino lamang ay kayang makaalam nito at magamit sa ilegal tulad ng pamemeke ng OR at CR para sa mga nakarnap na sasakyan.  (Angie dela Cruz)

Show comments